Linggo, Hulyo 31, 2011

Pilipinas, Mayaman Ka!

KARANASAN:
            Sa kabuuan, matagumpay ang naging paglalakbay ng mga bata..(kasali ako doon).
     Bago ako sumama, Inisip ko na ang "field trip" na ito ay pambata lang. Ang lugar na aming pupuntahan ay mga museo sa Maynila.Naisip ko na maaari ko naman itong mapuntahan kung gugustihin ko,hndi pa "hussle" at wala kang hihintayin na mga kasama o di kaya ay susundan na parang mga langgam---MABABAW NA DAHILAN.
        Bago matapos ang buong araw, nakita ko ang mga studyante na mga masaya at nakangiti kahit na pagod sila sa paikot ikot at palakad lakad sa loob ng museo.Ako din ay napapangiti at napapahalakhak sa twing magtatawanan sila sa loob ng aming sinasakyan.Masarap silang pagmasdan.Nakakawala ng pagod.Kahit hindi ako lubhang nag-enjoy sa aming pinuntahan, nag-enjoy naman ako sa mga taong nakasama ko---Sila Marnelle, Romeo, Harry, Jeremy, Angelo, PatrickTuason, MaraAngelica ,Ericka, Jenna, Arianne,Sir Jayson,Kenneth,si Camille,Jiscel,at iba pa ang mga taong nakasalamuha ko sa araw na iyon.               
Hindi lang sa paaralan, bahay, o trabaho kailangan umikot ang iyong mundo. Kung minsan, mas  marami tayong natututunan at napupulot (mabuti man o hindi) sa labas ng mundong dati nating ginagalawan...---MALALIM NA DAHILAN.


KONKLUSYON:
  Tunay nga na kay yaman ng ating bansa, ang Pilipinas. Sino ang mag-aakala na ang pangatlo sa pinakamahirap na bansa sa buong mundo ay maituturing na mapalad at mayaman? Saang aspeto? ---sa mga Likas na yaman at Angking talento o husay ng mga Pilipino.

        Tunay na kabighabighani ang mga likhang sining na gawa ng mga Pilipino, ang mga sinaunang kagamitan na gamit ng ating mga ninuno, mga hayop na sa sa Pilipinas lang matatagpuan ,at marami pang iba.
        Ang Pilipinas man ay salat sa salapi, ito ay PUNO ng likas ng yaman na tunay na maipagmamalaki!
          Narito ang mga patunay sa aking mga nasambit ayon sa aking mga natuklasan:
Sinaunang mga banga

Sinaunang mga banga

Sinaunang kagamitan sa gyera

Sinaunang ginto
Guhit-larawan ng Pilipino

Sinaunang gamit ng mga Pilipino


Gawang Diyorama ng mga Pilipino

Uri ng Alimango-Likas na hayop sa Pilipinas

Uri ng Alimango-Likas na hayop sa Pilipinas

Uri ng Alimango-Likas na hayop sa Pilipinas

Mga kabibe ng Pilipinas

Uri ng Paru-paro sa Pilipinas

Crickets-Hayop na matatagpuan lang sa Pilipinas

Parrot-Uri ng Ibon sa Pilipinas 


Mga sinaunang kagamitan sa Pilipinas 

Diyorama na matatagpuan sa Pilipinas




Likhang larawan ng Pilipino

Likhang-larawan ng Pilipino

Likhang Sining ng Pilipino

Likhang Sining ng Piliipino

Likhang sining ng Pilipino

Uri ng hayop sa Pilipinas

Likhang larawan ng Pilipino
Sinaunang ginto sa Pilipinas 
Likhang Sining ni Fernando Amorsolo, isang Pilipino


                                 Maraming Salamat po sa inyong lahat...^^

1 komento: